LGUs sa Metro Manila, may libreng viewing ng Pacman-Matthysse match

By Isa Avendaño-Umali July 15, 2018 - 10:22 AM

Credit: Valenzuela Gov’t Facebook account

Iniimbitahan ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang publiko sa “free viewing” ng bakbakang Manny Pacquaio at Lucas Matthysse ngayong araw.

Sa advisory ng Valenzuela City government, libreng mapapanuod ang boxing match sa Valenzuela City Astrodome.

Bukas na ang gates simula alas-nuebe ng umaga.

Naka-set up na rin ang public viewing ng Pacquiao-Matthysse fight sa Marikina City Hall, Parang Gymnasium at Marikina Heights Gymnasium.

Sa Tiendesitas sa Ortigas, may libreng live screening din. Magtungo lamang sa Food Village.

Sa Caloocan City naman, mapapanuod ang boxing match sa Caloocan Sports Complex, New Caloocan Cityhall Complex at DDYC Covered Court, pero first come, first served.

Sa Kampo Aguinaldo ay mayroong public viewing, dahil sa Pacquiao ay isang Army reservist colonel.

Inaasahang mag-uumpisa ang Pacquiao-Matthysse boxing fight mamayang alas-onse ng umaga, na live sa Kuala Lumpur, Malaysia.

TAGS: LGU, Lucas Matthysse, Manny Pacquaio, LGU, Lucas Matthysse, Manny Pacquaio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.