Thunderstorm advisory, itinaas sa Rizal, Zambales at Bataan

Credit: PAGASA

Naglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Rizal, Zambales at Bataan.

Ayon sa weather bureau, asahan ang mabigat na buhos ng ulan sa mga nasabing lalawigan sa susunod na dalawang oras.

Ito ay bunsod ng umiiiral na thunderstorm.

Kasunod nito, nararanasan ang sama ng panahon sa Metro Manila partikular sa CAMANAVA, Bulacan sa Obando, Meycauayan, Marilao at Batangas sa loob ng dalawang oras.

Dahil dito, pinaalalahanan ang publiko sa posibleng epekto ng sama ng panahon, pagbaha at landslide.

Read more...