Libu-libong gay rights supporters, nagparada sa South Korea
Libu-libo ang nakiisa sa isinagawang Seoul Queer Parade sa South Korea.
Tinatayang umabot sa 30,000 ang nakilahok para ipaglaban ang karapatan ng mga gay o bakla sa naturang parada.
Nagdala ang ilan ng malalaking rainbow-colored flags, slogans habang ang iba ay nakasakay pa sa kanilang motorsiklo para isigaw ang tinatamasang karapatan.
Taun-taon, nakakatapat ng gay rights suppoters ang daan-daang evangelist Christians na layong harangin ang idinaraos na gay parade.
Dahil dito, naghanda ng bakod ang otoridad sa paligid ng Seoul Square sa labas ng city hall.
Daan-daang ding pulis ang nag-aantabay para matiyak ang mapayapang pagdaraos ng programa ng magkabilang panig.
Bitbit naman ng mga Kristiyano ang ilang anti-gay slogans at umawit pa ng evangelical songs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.