Lalaking bagong laya, patay nang makaengkwentro ang pulisya sa Pasay

Inquirer file photo

Patay ang isang bagong laya sa kulungan matapos maka-engkwentro ang pulisya sa Pasay City.

Ayon sa pulisya, magsisillbi ng warrant of arrest laban sa lalaking napatay na si Arnel Padel nang manlaban sa mga otoridad sa bahagi ng Merville Access Road sa Barangay 201 bandang 9:00, Sabado ng gabi.

Nakatakda sanang arestuhin si Padel dahil sa kasong murder.

Dati nang nakulong si Padel dahil sa mga kasong robbery-holdup.

Read more...