Magkakaroon ng maliit na rollback sa presyo ng diesel sa darating na Martes.
Ito ay matapos ang magkasunod na linggong pagtataas presyo ng oil products.
Inaasahang mababawasan ng P0.10 hanggang P0.20 ang kada litro ng diesel.
Posibleng hindi naman gumalaw ang presyo ng kerosene o gaas o hindi kaya ay magkaroon ng hanggang P0.05 bawas kada litro.
Para sa gasolina naman, posible ring hindi magbago ang presyo nito ngunit maaaring tumaas hanggang sa P0.05 kada litro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.