Inihatid na sa huling hantungan kahapon (July 14) si Genesis ‘Tisoy’ Argoncillo na inaresto matapos umanong lumabag sa isang city ordinance at nasawi sa kulungan.
Matatandaang sinabi ng Quezon City Police District na namatay sa piitan si Argoncillo dahil sa pambubugbog ng dalawang miyembro ng Sputnik Gang.
Nagtulong-tulong ang mga kaanak at kaibigan ni Argoncillo na dalhin ang kanyang kabaong hanggang sa simbahan at himlayan nito sa Barangay Bagongon, sa Concepcion, Iloilo.
Inaresto si Argoncillo dahil wala itong damit pang-itaas at kinasuhan pa ng mga pulis ng ‘alarm and scandal’ ngunit iginiit ng kanyang mga kaanak na pupunta lamang ito sa isang tindahan.
Kasabay ng paghatid sa kanya sa huling hantungan, nanawagan ang ama ni Tisoy kay Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto na ang pagpapaaresto sa mga tambay nang maiwasan ang kahalintulad ng pagkamatay na sinapit ng kanyang anak.
Sinabi naman ni Marilou, kapatid ni Tisoy, na nawalan na siya ng kumpyansa sa pulisya at umaasa siyang mapapanagot ang mga responsable sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.