Barangay councilor, patay sa pamamaril sa Lipa, Batangas
Patay matapos pagbabarilin ang isang barangay councilor sa lungsod ng Lipa sa Batangas.
Naganap ang insidente ng pamamaril sa hindi nalalayong oras ng pananambang din sa dating bise alkalde ng bayan ng Sto. Tomas na si Ferdinand Ramos.
Dead on arrival sa ospital si Romel Luancing, konsehal ng Barangay Antipolo del Sur sa Lipa habang nakkipag-usap lamang sa kanyang kapwa konsehal sa kahabaan ng kalsada sa Purok 6A bandang alas-6:35 ng gabi.
Makailang beses na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang riding in tandem ang biktima dahilan para bawian agad ito ng buhay.
Sinasabing tumakas ang mga suspek patungo sa bayan ng Padre Garcia.
Dahil sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Batangas, binuo na ng Batangas Police ang Oplan Iron Curtain para sa ikadarakip ng suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.