Dumating na sa Malaysia si Pangulong Rodrigo Duterte Sabado ng gabi para sa kanyang tatlong araw na ‘private trip’.
Kasama ng pangulo na dumating sa Kuala Lumpur si Special Assistant to the President Bong Go at ang mga miyembro ng Presidential Security Group.
Nauna namang dumating sa naturang bansa sina Presidential Spokesman Harry Roque, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at National Security Adviser Hermogenes Esperon ayon mismo kay Go.
Manonood si Duterte ng laban ni Sen. Manny Pacquiao ngayong araw laban kay Lucas Matthysse.
Pagkatapos nito ay inaasahang makikipagpulong ang presidente sa bagong halal na si Prime Minister Mahathir Mohamad.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpupulong ang dalawang lider kung saan sinabi ng pangulo na sesentro ang kanilang pag-uusap sa mga isyu na may kinalaman sa law and order at seguridad.
Samantala, ilang opisyal pa ang nasa Malaysia para tunghayan ang laban ni Pacquiao tulad nina Solicitor General Jose Calida, Bureau of Corrections chief Ronald Dela Rosa, Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.