Ex-vice mayor ng Santo Tomas, Batangas, tinambangan

By Rhommel Balasbas, Rohanisa Abbas July 14, 2018 - 10:10 PM SHARE(S):

 

Pinagbabaril ang dating Vice Mayor ng Sto. Tomas, Batangas na si Ferdinand Ramos.

Ayon sa pulisya, pauwi na sana si Ramos mula sa isang simbahan sa Brgy. Poblacion Dos nang tambangan ito.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Tinamaan ng bala ang biktima sa kaliwang bahagi ng mukha at itinakbo sa sa Saint Cabrini Hospital.

Nagsilbi bilang bise alkalde ng Sto. Tomas si Ramos mula 2013 hanggang 2016.

Tumangging magbigay ng pahayag ang kanyang pamilya tungkol sa insidente.

 

TAGS: Batangas, Ferdinand Ramos, Pamamaril, Santo Tomas, tinambangan, Vice-mayor, Batangas, Ferdinand Ramos, Pamamaril, Santo Tomas, tinambangan, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.