DOH: kaso ng leptospirosis, pababa pero kaso ng dengue, pataas
Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nabawasan na ang kaso ng leptospirosis pero ang mga nagkakasakit ng dengue ay dumarami.
Sa monitoring ng Department of Health (DOH), 10 na lamang ang kaso ng leptospirosis hanggang noong nakaraang lingo.
Bumaba anya ito kumpara sa nakalipas na mga lingo kung saan naitala ang mahigit 200 na admission sa mga ospital.
Ayon kay Duque, ang pagbaba ng kaso ng leptospirosis ay dahil nabawasan ang pag-uulan at ang maigting na information campaign ng ahensya.
Gayunman, ang bilang ng mga nagkakasakit ng dengue ay nadaragdagan naman.
Sa epidemiology report para sa week 28, nagkaroon ng 20% na pagtaas kung saan mula sa 5,968 cases ay mayroon ng 7,778 cases hanggang noong Huwebes.
Muli namang nagpaalala si Duque sa publiko na maging malinis sa loob at labas ng bahay at dapat pagbutihin ng lokal na pamahalaan ang flood control at regular na koleksyon ng basura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.