Pinaiimbestigahan ni Ramon Tulfo amg kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang mga kapatid na sina dating tourism secretary Wanda Tep at Ben Tulfo kaugnay ng P60 milyon advertisement placement ng Department of Tourism sa People’s Television Network (PTV-4).
Sa column ni Ramon sa Inquirer, sinabi niya na kahit saang anggulo man tignan ay may iregularidad sa naturang kontrata. Aniya, may conflict of interest ito.
Hinimok ni Ramon ang Malacañang at iba pang ahensya ng gobyerno na imbestigahan ang kanyang mga kapatid na sina Ben at Teo.
Dagdag niya, kapag napatunayang mayroong iregularidad sa kontrata, dapat na ipatupad sa dalawa ang batas, gaya na lamang ng pagsasampa ng kasong plunder.
Ipinahayag din ni Ramon na nakasama ang usapin sa kanyang reputasyon, at maging ng kanilang iba pang kapatid na sina Raffy at Erwin.
Matatandaang inulat ng Commission on Audit na posibleng makasuhan si Teo kaugnay ng paglalagay ng DOT ng advertisement sa programang Kilos Pronto sa PTV kung saan producer si Ben.