OPAPP sa AFP: Isaoli ang P192.5M pondo ng PAMANA para sa road projects sa Maguindanao

By Rohanisa Abbas July 14, 2018 - 04:52 PM

Pinasasauli ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang P192.5 milyong inilabas noong 2012 para sa mga proyekto para sa mga kalsada sa Maguindanao sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA).

Ayon sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), nakipagpulong si Dureza sa mga kinatawan ng AFP sa pangunguna ni 52nd Engineer Brigade commander Brig. General Dionisio Baudin Jr.

Pinuna ni Dureza ang pagkaantala ng implementasyon ng P100 milyon pagsesemento sa sa kalsada ng Ganassi-Biarong sa South Upi at P150 milyon pagsesemento sa kalsada ng Makir-Sibuto-Kinabaka sa Datu Odin Sinsuat.

Ayon sa OPAPP, noong July 2012 pa dapat ito naipatupad dahil naibigay na ang pondo sa AFP.

Pinababawi na ni Dureza ang pondo dahil masyado nang matagal nakatiwangwang ang proyekto at posibleng iba na ang halaga ng proyekto ngayon kumpara sa nakalipas na anim na taon.

Sumang-ayon naman dito ang AFP at ibabalik sa gobyerno ang pondo.

Ayon sa OPAPP, ang P192.5 milyon ay mula sa pondo sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Gayunman, hindi nailabas ang kabuuang P250 milyon pondo dahil sa pagdeklara ng Korte Suprema na iligal ang DAP.

 

TAGS: AFP, maguindanao, opapp, pamana, road projects, AFP, maguindanao, opapp, pamana, road projects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.