Hepe ng Muntinlupa Police Station sinibak

By Jimmy Tamayo July 14, 2018 - 10:32 AM

Inquirer file photo

Inalis na sa pwesto ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang hepe ng Muntinlupa City Police Office.

Kaugnay ito ng pagkakasangkot sa robbery extortion ng apat nitong tauhan na nahuli kahapon sa isang entrapment operation na ginawa sa mismong police station.

Tinanggal sa pwesto si Senior Supt. Dionision Bartolome.

Pinangunahan mismo ni Eleazar ang entrapment operation kahapon kung saan naaresto sina PO2 Farvy Dela Cruz, PO1 Jon-Jon Averion, PO3 Romeo Par, at SPO1 Psylo Joe Jimenez na pawing miyembro ng Intelligence and Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa PNP.

Nagtangka pang tumakas ng apat na pulis pero agad ding nasakote ang mga ito.

Ayon sa reklamo ng babaeng na tinukoy lamang sa Alyas “Madam,” hinihingan siya ng apat na pulis ng aabot sa P300,000 makaraang mahulihan siya ng ilegal na droga.

Pero maliban sa extortion, sinabi pa ni Alyas Madam na sinaktan pa raw siya ng mga pulis at pinasok pa ang kanyang bahay.

TAGS: drugs, eleazar, Muntinlupa, NCRPO, PNP, drugs, eleazar, Muntinlupa, NCRPO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.