Bagong “hand-carry policy” inilabas ng Cebu Pacific

By Den Macaranas July 14, 2018 - 09:49 AM

Sinabi ng Cebu Pacific sa pamamagitan ng kanilang inilabas na advisory na magpapatupad sila ng istriktong panuntunan sa pagtanggap ng mga hand-carry baggages.

Simula sa July 17, 2018, sinabi ng naturang airline company na ipatutupad na ang bagong patakaran para sa mga dalang bagahe ng mga pasahero.

Ayon sa kanilang advisory, ““Passengers are allowed one carry-on or hand-carry baggage inside the cabin, with a maximum weight of seven kilograms and dimension of 56cm x 36cm x 23 centimeters for Airbus flights and 56cm x 35cm x 20cm for ATR flights. In addition to one carry-on baggage, each passenger may also bring a laptop in its own bag or a handbag”.

Dati ay pinapayagan ang hanggang sampung kilo na hand-carry bag para sa isang pasahero.

Ang mga pasaherong may kasamang sanggol sa kanilang byahe ay papayagang magdala ng isang carry-on baby bag at isang hand-carry baggage.

Layunin ng nasabing polisiya na gawing mabilis ang pagpasok ng mga pasahero at paglabas pagdating sa kanilang destinasyon.

Bahagi rin ito ng pagsasa-ayos ng kanilang serbisyo sa publiko ayon pa sa Cebu Pacific.

TAGS: baggages, cebu pacific, hand carry, policiy, baggages, cebu pacific, hand carry, policiy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.