Localized peace talk sa CPP-NPA tuloy na ayon sa Malacañang

By Den Macaranas July 14, 2018 - 08:53 AM

Inquirer file photo

Tanggapin man ng mga lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) o hindi ay itutuloy ng Malacañang ang localized peace talks sa rebeldeng grupo.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas alam ng mga frontliner ng New People’s Army ang kanilang mga pangangailangan kumpara sa mga lider ng komunistang grupo na matagal nang wala sa bansa.

Sinabi pa ni Roque na iba ang pananaw ng mga combatants kumpara sa grupo ni Jose Maria Sison na nagpapasarap lamang sa Europa.

Nauna nang sinabi ni Sison na walang mangyayari sa anumang negosasyon sa kanilang grupo hangga’t si Pangulong Rodrigo Duterte ang nakaupo sa Malacañang.

Noong June 28 sana muling itutuloy ang peace talks pero pinahinto ito ng pangulo dahil kailangan pa raw niyang konsultahin ang sambayanan kung dapat pa ba o hindi na kausapin ang mga komunista.

Kasabay nito ay iniutos na rin ng pangulo ang muling pag-aresto sa ilang mga negosyador ng CPP-NPA dahil temporary lamang ang safe conduct pass na ibinigay sa kanila ng gobyerno.

TAGS: CPP, duterte, NPA, peace talks, Roque, CPP, duterte, NPA, peace talks, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.