Dagdag na seguridad sa mga mayor aprub kay Duterte

By Den Macaranas July 14, 2018 - 08:50 AM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacañang na mabibigyan ng sapat na seguridad ang mga mayor sa iba’t ibang panig ng bansa lalo na iyung mga may death threats.

Sinabi ni League of Municipalities of the Philippines (LMP) President at Socorro, Oriental Mindoro Mayor Maria Fe Brondial na naging mabunga ang kanilang dayalogo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang hiniling ng samahan ng mga mayor sa bansa na makausap ang pangulo kasunod ng sunud-sunod na pagpatay sa ilang local officials.

Kaugnay nito, sinabi ni Brondial na inatasan ng pangulo ang Department of Interior and Local Government na makipag-ugnayan sa LMP para sa alituntunin sa pagbibigay ng security detail sa mga local officials.

Karaniwang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ibinibigay na security detail sa mga opisyal ng pamahalaan.

TAGS: brondial, duterte, lmp, Mayor, Security detail, brondial, duterte, lmp, Mayor, Security detail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.