Tubig na ibinuhos ng bagyong Lando hindi sapat para sa epekto ng El Niño
Hindi pa rin makasasapat ang tubig na ibinuhos ng bagyong Lando ng ilang araw upang matugunan ang pangangailangan sa suplay ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay national Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., hindi pa rin normal ang water elevation sa Angat Dam sa Bulacan na pinagkukunan ng suplay ng tubig sa NCR.
Alas 6:00 ng umaga ngayong araw, October 22, ang antas ng tubig sa Angat dam ay nasa 203.72 meters.
Una nang sinabi ng hydrology division ng PAGASA na kinakailangang mapaabot sa 2010 meters ang water level sa Angat dam bago matapos ang taon, upang may sapat na imbak ng tubig para sa magiging epekto ng El Niño sa susunod na taon.
Pero ayon sa NWRB, dahil nadagdagan naman ang tubig sa Angat dam, ay magdaragdag sila ng 2 centimeters per second na alokasyon ng tubig sa mga taga Metro Manila.
Simula sa November 1, ibabalik nila sa 38 cubic centimetre per second ang alokasyon, na una nang binawasan dahil kinakailangang magtipid ng tubig para paghandaan ang mas matinding epekto ng El Niño sa mga susunod na buwan.
Mananatili sa 10 centimeters ang standby allocation para sa irigasyon pero ayon sa NWRB, hindi muna ito magagamit sa ngayon dahil baha pa sa maraming sakahan sa Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.