Education sector at DPWH, may pinakamalaking alokasyon pa rin sa 2019 budget

By Rhommel Balasbas July 14, 2018 - 04:24 AM

Makatatanggap pa rin ng pinakamalaking alokasyon ng 2019 national budget ang sektor ng edukasyon at Department of Public Works and Highways (DPWH) ayon sa Department of Budget and Management.

Ito ay bilang pagpapabuti pa rin ng administrasyong Duterte sa sektor ng imprastraktura at human development.

Sa P3.757 trillion cash-based 2019 budget na planong ipasa ng pangulo sa Kongreso, makatatatanggap ang education sector ng alokasyong nagkakahalaga ng P659.3 bilyon.

Mas mataas ito ng 12.3 percent o P72.2 bilyon sa cash-based equivalent ng 2018 budget at paghahatian ng Department of Education, Commission on Higher Education (CHED), State Colleges and Universities (SUCs), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Samantala, susundan naman ng DPWH ang education sector na may alokasyon na P555.7 bilyon sa 2019 na mas mataas ng 68.3 percent sa cash-based equivalent ng 2018 budget ng ahensya.

Ayon kay DBM Sec. Benjamin Diokno, mananatiling nakalaan ang kanilang focus sa Build Build Build program ng gobyerno at social services.

Anya, ang mga naturang programa naman ay ang prayoridad simula pa ng magsimula ang kanilang termino.

Ikatlo naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) na posibleng makatanggap ng P225.6 bilyon sa susunod na taon o mas mataas ng 30.9 percent o P53.3 bilyon sa cash-based equivalent ng 2018 budget ng ahensya.

Susundan ito ng Department of National Defense sa P183.4 bilyon, Department of Social Welfare and Development sa P173.3 bilyon, health sector na binubuo ng Department of Health at Philippine Health Insurance Corporation sa P141.bilyon, Department of Transportation sa P76.1 bilyon, Department of Agriculture sa P49.8 bilyon, sangay ng Hudikatura, P37.3 bilyon at Autonomous Region in Muslim Mindanao sa P32.3 bilyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.