Malacañang sa oposisyon sa pagtaas ng ratings ng pangulo: ‘Dream on!”

By Marilyn Montaño July 14, 2018 - 12:01 AM

Tinawag ng Malakanyang na “useless” o walang silbi ang oposisyon matapos na tumaas ang approval at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong Pulse Asia survey.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dahil sa nakuhang 88% rating ng Pangulo ay “dream on” na lang ang mga nasa oposisyon.

Ang mataas na rating ng Pangulo ay patunay anya na hinahangaan pa rin ng mga Pilipino si Pangulong Duterte.

Bukod dito ay ipinagmalaki ni Roque na ang Pilipinas ay tinitingnang modelo ng Sri Lanka sa kampanya laban sa droga.

Samantalang dito sa bansa, ang mga oposisyon anya na walang silbi ay hanap ng hanap ng butas at bato ng bato ng kahit ano.

Nanindigan naman ang opisyal na oposisyon ang nasa likod ng mga banner na nakalagay na probinsya ng China ang Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.