Cordillera Administrative Region, magdiriwang ng ika-31 anibersaryo

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang special-non working holiday ang July 16 sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ito ay bilang selebrasyon ng ika-31 anibersaryo ng pagkakatatag ng rehiyon.

Sa ilalim ng Proclamation 536 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Huwebes, ay binibigyang pagkakataon ang mga residente na makilahok sa mga selebrasyong gaganapin para sa espesyal na araw.

Ito ay kasunod ng hiling ng CAR Regional Development Council na gawing holiday ang paparating na araw ng Lunes.

Ang CAR ay itinatag noong July 15, 1987 sa ilalim ng Executiver Order 220 ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Read more...