CBCP pastoral exhortation, pinababasa sa mga misa

By Rhommel Balasbas July 14, 2018 - 04:50 AM

Naglabas ng isang Pastoral Exhortation ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na pinababasa sa lahat ng misa ngayong Linggo, July 15.

Ang liham pastoral na ito na pinamagatang “Rejoice and Be Glad” o “Magsaya Kayo at Magalak” ay mababasa sa wikang Filipino at Ingles.

Binalangkas ang liham kasabay ng 117th Plenary Assembly ng CBCP noong July 7 hanggang July 9.

Ilang mga obispo na ang umapela sa kanilang mga kaparian na basahin ito sa mga misa kabilang sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Cubao Bishop Honesto Ongtioco.

Sa isang circular letter, sinabi ni Manila Archdiocese Chancellor Fr. Reginald Malicdem na pwedeng ipalit sa homilya ang babasahing liham pastoral.

Simula mamayang hapon kung saan ang mga misa ay ‘anticipated masses’ na ay pwede nang basahin ang pastoral letter at tatagal hanggang bukas o sa ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon ng liturgical calendar ng Simbahang Katolika.

Nakasaad sa pastoral letter ang paghimok sa mga mananampalataya na maglaan ng isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa July 16, Kapistahan ng Mahal na Birheng del Carmen.

Inimbitahan din ang lahat na makiisa sa mga obispo sa tatlong araw na panalangin, pag-aayuno at pagkakawang-gawa o National Days of Fasting and Almsgiving sa July 17 hanggang July 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.