Dumating na sa London si U.S. President Donald Trump para sa kanyang kauna-unahang social visit kay Queen Elizabeth II.
Kasama ni Trump na dumating sa Windsor Castle sa London si First Lady Melania Trump.
Mismong si Queen Elizabeth ang sumalubong sa presidential couple, na binigyan ng Royal Salute ng Coldstream Guards of Honor bago patugtugin ang U.S. National Anthem.
Pagkatapos nito ay nag-tsaa ang Queen at ang mga Trump sa loob ng Windsor castle.
Mula nang maupo sa trono si Queen Elizabeth ay personal niyang nakaharap ang nasa sampung presidente ng Amerika, maliban kay Lyndon Johnson, na hindi kailanman bumisita sa Britain.
Nauna nang sinabi ni Trump na kinakabahan siya sa nakatakda nilang pagkikita ni Queen Elizabeth na tinawag niyang “a tremendous woman.”
Sa pagdalaw naman ni Trump sa U.K., sinabayan ito protest day doon at pinalipad pa ang binansagang “Trump baby” balloon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.