2nd wave ng kaso vs Malay, Aklan officials isasampa ng DILG

Magsasampa ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng “second wave” ng mga kaso laban sa ilang opisyal ng Malay, Aklan dahil sa mga discrepancy sa koleksyon at paggamit ng environmental fees sa Boracay.

Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, nadiskubre ng ahensya na P75 environmental fee ang singil sa pumapasok na bisita sa Boracay.

Noong 2017, iniulat ng lokal na pamahalaan ng Malay na 2 milyong turista ang pumasok sa naturang tourist destination na kung susumahin ay umabot sa P150 million na environmental fee.

Sa naturang halaga, idineklara lang ng Malay local government ang P92 million environmental fees na 85% ng kanilang share.

Dagdag ni Densing, nalaman nila na ng ilang bahagi ng pondo mula sa environmental fee ang ginamit sa mga proyekto na wala namang kinalaman sa kalikasan.

Nagpatulong na ang DILG sa Commission on Audit (COA) na suriin ang koleksyon at paggamit ng environmental fee sa Boracay.

Oras na makuha ng ahensya ang COA report, posibleng magsampa sila ng anti-graft and corrupt practices action violations laban sa mga lokal na opisyal ng Malay, Aklan.

Read more...