Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 13, 2018 - 07:58 PM

Inuulan ang malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 7:35 ng gabi, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Cavite, Bataan, Tarlac at Nueva Ecija.

Inuulan na rin ang mga bayan ng San Antonio, Castillejos at Subic sa Zambales; Sta. Ana, Arayat, Mexico, San Fernando at Bacolor sa Pampanga; northern Quezon, at bahagi ng Rizal, Laguna, Batangas at Bulacan na tatagal sa susunod na dalawang oras.

Lahat ay pinapayuhan na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

TAGS: Central Luzon, Metro Manila, southern luzon, thunderstorm advisory, Central Luzon, Metro Manila, southern luzon, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.