Simulation para sa SONA isinagawa ng PNP at AFP sa kamara

By Len Montaño July 13, 2018 - 08:34 PM

Nagsagawa ng simulation ang pulisya at militar para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ilang units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang nagkaroon ng simulation exercises sa House of Representatives sa Batasan Complex sa Quezon City.

Sa simulation activity ay pumosisyon ang mga anti-riot personnel sa Batasan Road para malaman ang mga posibleng aktibidad sa labas ng Kamara habang nagsasagawa ng SONA ang Pangulo.

Una nang sinabi ng organizers ng taunang report sa bayan ni Duterte na wala namang namomonitor na banta sa seguridad.

Pero nais ng mga security personnel na hindi na ulitin ng Pangulo ang paglabas para harapin ang mga raliyista matapos ang kanyang talumpati gaya ng ginawa nito noong nakaraang SONA.

TAGS: AFP, PNP, Radyo Inquirer, simulation, SONA, AFP, PNP, Radyo Inquirer, simulation, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.