Malagong ekonomiya ng Pilipinas mananatili hanggang 2019 – World Bank

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 13, 2018 - 07:32 PM

Mapapanatili ng Pilipinas ang matatag at paglago ng ekonomiya nito ayon sa World Bank.

Sa statement ng World Bank mapapanatili ng bansa ang 6.7 percent gross domestic product (GDP) growth nito ngayong taon hanggang sa taong 2019.

Nakikita rin ng World Bank na tataas ang Government consumption habang ang private consumption ay tataas din ng hanggang 5.9 percent ngayong taong 2018 at 6.2 percent sa susunod na taon.

Ayon kay World Bank Lead Economist for the Philippines Birgit Hansl kayang maabot ng PIlipinas ang 6.5 hanggang 7.5 percent medium term target ngunit nakadepende ito sa implementasyon ng investment spending agenda ng gobyerno.

Gayunman, nakikita ng World Bank na bababa ang Philippine exports sa mga susunod na taon dahil sa inaasahang pagbagal ng global economic growth.

Base sa June 2018 Global Economic Prospects ng World Bank mararanasan sa susunod na dalawang taon ang pagbagal ng global economy dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin, pagbaba ng global demand, at mas mahigpit na global financing conditions.

 

TAGS: BUsiness, gdp, world bank, BUsiness, gdp, world bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.