One hand-carry baggage policy ipatutupad na ng Cebu Pacific mula July 17

Simula sa Martes, July 17, 2018 ipatutupad na ng Cebu Pacific ang mas striktong polisiya sa hand-carry baggage.

Sa abiso ng airline company, isang carry-on o hand-carry baggage na lamang ang papayagan sa bawat pasahero.

Gaya ng dati, ang hand-carry baggage na papayagan sa cabin ay may bigat na hindi lalagpas sa pitong kilo at ang dimension ay dapat 56cm x 36cm x 23cm para sa Airbus flights at 56cm x 35cm x 20cm para sa ATR flights.

Papayagan naman ang mga pasahero na magdala ng laptop na nasa loob ng laptop bag o handbag.

Ang mga adult passenger naman na may kasamang sanggol ay papayagan pang magdala ng isang baby bag bilang hand carry hiwalay sa kanilang 7-kilogram hand-carry baggage.

Ayon sa Cebu bahagi ito ng pagsasaayos ng kanilang operasyon at para mas maging maayos ang check-in experience sa paliparan.

Read more...