DOTr sinisi ng COA sa palpak na operasyon ng MRT-3

July 13, 2018 - 06:19 PM

Sinisi ng Commission on Audit o COA ang Department of Transportation o DOTr kung bakit pumapalpak ang operasyon ng Metro Rail Transit o MRT Line 3.

Sinabi ng COA na mahaba ang pila sa mga istasyon ng MRT at siksikan ang mga pasahero sa tren dahil sa delay ang P1.296 billion expansion program ng DOTr.

Ayon sa COA, delayed ng 345 days ang delivery ng 48 na bagon mula sa Dalian Co Ltd., na siyang kinontrata ng nakaraang administrasyon at nagkakahalaga ito ng P3.7 billion.

Nalugi umano ang gobyerno ng P1.296 billion dahil sa mga glitch sa power supply, signalling system compatibility at weight issues.

Isang isyu rin ayon sa COA, ang pagdating ng mga Dalian train na walang Automatic Train Protector kaya hindi magamit ang mga unit.

Sa report pa ng ahensya, bumaba ng 20% ang bilang ng mga sumasakay sa MRT sa nakalipas na limang taon.

Sinabi ng COA na kailangang matapos ang pag-upgrade sa ancillary system ng MRT para ang tatlong bagon bawat tren ay maitaas sa apat na bagon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.