P6B na ginastos ng PCSO mula sa charity fund kinuwestyon ng COA

By Isa Avendaño-Umali July 13, 2018 - 05:31 PM

Kinuwestiyon ng Commission on Audit o COA ang halos P6 billion na ginastos ng Philippine Charity Sweepstakes Offices o PCSO na wala namang kaugnayan sa charity programs.

Batay sa 2017 annual audit report ng COA, aabot sa P5.890 billion ang nailabas na pondo ng PCSO na hindi naman related sa health programs, medical assistance/services, o charities.

Ayon sa COA, sumobra raw ng P3.533 bilyon ang paggamit sa Charity Fund Utilization ng PCSO.

Napunta raw ang pondo sa Commission on Higher Education program, pambayad ng documentary stamp taxes ng Bureau of Internal Revenue, suweldo ng mga empleyado sa PCSO Charity Clinic, at medical benefits ng mga empleyado ng PCSO.

Giit ng COA, ang sweldo at benepisyo ay dapat ibinabawas sa operating fund ng PCSO at hindi sa charity fund.

Ipinag-utos na ng COA sa PCSO na ihinto na ang paggamit ng charity fund sa mga maling paraan.

Samantala, sinita rin ng COA ang pagbibigay ng authority ng PCSO sa 30 mula sa 85 Authorized Agent Corporations, kahit hindi nito nakumpleto ang cash bond para makapag-operate ng Small Town Lottery o STL.

Maging ang paggamit ng P2.2 million na pondo para sa Christmas Party ng PCSO sa EDSA Shangri-La Hotel and Resort, kung kailan gumastos umano ng P2,000 kada ulo ang ahensya na mayroong 1,100 opisyal at empleyado.

Hindi rin pinagbayad ng PCSO ng withholding tax ang mga supplier ng gamit at serbisyo para sa Christmas party na nagkakahalaga ng P1.469 million.

TAGS: charity fund, Charity Programs, COA, pcso, charity fund, Charity Programs, COA, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.