CPP ayaw sa alok na localized peace talks ng gobyerno

Tinanggihan ng Communist Party of the Philippines ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng “localized” peace talks.

Tinawag ng CPP na pagpapanggap lamang ito at walang kahahantungan.

Ipinahayag ng komunistang grupo na sasayangin lang ng pamahalaan ang pera ng mga mamamayan sa pagsulong ng localized peace talks.

Sinabi rin ng CPP na magagamit lamang ito sa katiwalian dahil tanging ang mga lokal na opisyal at ang militar lamang ang makikinabang dito.

Kahapon, ipinahayag ng Malacañang na maglalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order na maglalaman ng guidelines para sa localized peace talks.

Read more...