Paglimita sa bilang ng turista at imprastaktura sa Boracay pinag-aaralan – DILG

By Rohanisa Abbas July 13, 2018 - 04:48 PM

FILE

Plano ng Department of Interior and Local Government na limitahan ang bilang ng mga turista at mga imprastraktura sa Boracay.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, nagsasagawa ngayon ang Department of Environement and Natural Resources ng pag-aaral sa “carrying capacity” o ang dami ng tao na kaya ng isla para mapangalagaan ito laban sa pagkasira ng kalikasan.

Kasama rin sa pag-aaral ang posibildad ng paglimita sa mga imprastrukturang itatayo sa lugar.

Samantala, sinabi naman ni Densing na hindi pa natutukoy sa ngayon kung kailan maaaring simulan ng mga turista at ng tourist operators ang pag-book ng flights.

Matatandaang isinailalim sa anim na buwan na rehabilitasyon ang Boracay mula noong Abril at inaasahang bubuksan muli ito sa mga turista sa Oktubre.

TAGS: Epimaco Demsing, Radyo Inquirer, Epimaco Demsing, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.