Matatandaang agad na umani ng galit mula sa netizens ang viral na video kung saan makikitang iyak ng iyak ang isang bata na nasa loob ng SUV na nakaparada sa Metrowalk sa Pasig City.
Depensa naman ng ina ng bata, kumain lamang daw siya sandali at wala raw siyang intensyong pabayaan ang anak.
Pero ayon sa CHR, isang motu-propio investigation ang kanilang isinasagawa ukol sa insidente na layong malaman ang totoong pangyayari at upang mapanagot ang nanay ng bata kung mapatunayang siya’y may paglabag na ginawa sa karapatan ng kanyang anak.
Nauna nang inimbestigahan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang insidente.