CHR iniimbestigahan na rin ang viral video ng batang iniwan ng nanay sa sasakyan

By Isa Avendaño-Umali July 13, 2018 - 04:33 PM

Nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights o CHR kaugnay sa isang batang iniwan umano ng kanyang nanay sa loob ng sasakyan.

Matatandaang agad na umani ng galit mula sa netizens ang viral na video kung saan makikitang iyak ng iyak ang isang bata na nasa loob ng SUV na nakaparada sa Metrowalk sa Pasig City.

Depensa naman ng ina ng bata, kumain lamang daw siya sandali at wala raw siyang intensyong pabayaan ang anak.

Pero ayon sa CHR, isang motu-propio investigation ang kanilang isinasagawa ukol sa insidente na layong malaman ang totoong pangyayari at upang mapanagot ang nanay ng bata kung mapatunayang siya’y may paglabag na ginawa sa karapatan ng kanyang anak.

Nauna nang inimbestigahan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang insidente.

TAGS: metrowalk, Pasig City, viral video, metrowalk, Pasig City, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.