Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 3:10 ng hapon makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang Pampanga at Tarlac.
Ang nasabing lagay ng panahon ay nararanasan na rin sa Las Pinas; Imus at Bacoor sa Cavite;
mga bayan ng Lumban, Sta Cruz, Pagsanjan, at Kalayaan sa Laguna; Malvar, Sto Tomas, Cuenca, at Alitagtag sa Batangas; Gen. Nakar sa Quezon; Pantabangan, Bongabon, at Rizal sa Nueva Ecija; Morong at Bagac sa Bataan San Antonio, Botolan, at Iba sa Zambales.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.