Quo warranto petition vs Pang. Duterte mababasura lang

By Rohanisa Abbas July 13, 2018 - 03:16 PM

Walang kahihinatnan ang quo warranto petition na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Atty. Larry Gadon.

Kumpyansa ang abogado na ibabasura ng Korte Suprema ang quo warranto petition na inihain ng dating nuisance presidential candidate na si Elly Pamatong.

Ipinaliwanag ni Gadon na maaari lamang maghain ng reklamo ang pribadong tao kapag may interest ito sa petisyon. Aniya, hindi ito maaaring gawin ni Pamatong dahil hindi naman siya kumandidato sa pagkapangulo at hindi niya inaako ang posisyon.

Dagdag ni Gadon, maaari lamang sampahan ng quo warranto petition si Duterte kung pineke nito o hindi tumalima sa Constitutional requirements para sa pagkapangulo.

Inihain ni Pamatong ang reklamo dahil hindi umano inaprubahan ng Commission on Elections ang certificate of candidacy ni Duterte.

TAGS: quo warranto petition, Rpdrigo Duterte, quo warranto petition, Rpdrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.