Pre-trial ng Sandiganbayan laban kay JPE hindi natuloy

July 13, 2018 - 02:59 PM

Inquirer file photo

Ipinagpaliban ang pre-trial ng Sandiganbayan 3rd division sa plunder case laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile, kaugnay sa Pork Barrel scam.

Hindi pa kasi tapos ang marking of evidences ng prosekusyon, na humirit ng dagdag na panahon sa korte.

Dahil dito ay binigyan ng Sandiganbayan ang prosekusyon ng tatlumpung araw upang tapusin ang pagmamarka ng ebidensya.

Sa August 31 naman itinakda ang pre-trial sa kaso ni Enrile.

Si JPE ay personal na nagtungo sa Sandiganbayan, at natanong sa kanya kung ano ang kanyang reaksyon sa nalalapit na pagreretiro ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Simpleng “I wish her goodluck” ang naging tugon ni Enrile sa mga mamamahayag.

Matatandaang ang Ombudsman, sa ilalim ni Morales, ang nagsampa ng graft at plunder charges laban kay Enrile sa Sandiganbayan.

Si Enrile ay kasalukuyang malaya, matapos paburan ng Korte Suprema dahil sa humanitarian reason. Habang ang kanyang dating chief of staff na si Gigi Reyes ay nananatiling nakakulong makaraang ibasura ng Sandiganbayan ang kanyang motion for bail.

TAGS: Juan Ponce Enrile, plunder, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Juan Ponce Enrile, plunder, Radyo Inquirer, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.