Mga Pinoy na kumakain sa mga restaurant nadagdagan ayon sa DTI

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 13, 2018 - 02:18 PM

Ang pagtaas ng bilang ng mga taong kumakain sa labas o sa mga restaurant ay patunay na gumaganda ang ekonomiya ng bansa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang mga dati namang hindi lumalabas ay kumakain na ngayon sa mga fast food at restaurants.

“Yung mga dating ‘di kumakain sa labas, kumakain na sa fast food. Yung mga kumakain sa fast food, kumakain na sa mga eat-all-you-can. Yung mga kumakain sa eat-all-you-can, kumakain na sa mas mamahaling restaurant. Parang lahat po ay medyo nag-uupgrade. Sa mga talaan natin, yung eating out sa mga restaurants, yan po ang isa sa mga lumalaki. Characteristic po ng growing economy, ng growing middle class,” ani Lopez.

Binanggit din ni Lopez ang Social Weather Station (SWS) survey na nagpapakita na maraming Pinoy ang guminhawa na ang buhay at nakararaos na sa kahirapan.

Mas dumami aniya ang mga nagsabing hindi sila nakararanas ng kahirapan na nangangahulugang nadagdagan ang kanilang hawak na pera.

“Nung huling survey ng SWS, maraming nagsabi na hindi sila mahirap ngayon. Ibig sabihin, bumaba na yung nagsasabi na mas mahirap sila ngayon. Ibig sabihin ho, mas marami silang hawak ng pera. Kase base nga sa computation ng DOF sa mga napalaot na pera ngayon ay medyo lumaki”

Sa lagay naman ng trade and industry sinabi ni Lopez na nakapagtala ng 8 percent na paglago sa manufacturing sector na naging dahilan kaya bumaba naman ang unemployment rate.

TAGS: BUsiness, dti, Radyo Inquirer, BUsiness, dti, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.