Ayon sa SEC bagamat rehistrado sa kanila ang naturang grupo wala itong lisensiya para mangalap ng puhunan sa publiko.
Sa abiso ng ahensiya ang rehistro ng BOSS Network ay direktang magbenta ng mga produkto sa publiko.
Dagdag pa sa abiso kinakailangan munang kumuha ng karagdagang lisensiya ang isang grupo bago ito maaring mag-alok, mangalap, magbenta o mamahagi ng invesments at securities.
Naglabas ng abiso ang SEC, matapos may makarating sa kanilang impormasyon na nangangalap ng miyembro ang BOSS Network sa pamamagitan ng mga pakete na nagkakahalaga ng P1,500 hanggang P382,500 bawat isa.
MOST READ
LATEST STORIES