Dagdag-pasahe sa LRT-1 gagamitin sa line extension

By Jan Escosio July 13, 2018 - 12:58 PM

Umamin ang operator ng LRT-1 na nanghihingi sila ng pagtaas sa kanilang pasahe para pondohan ang pagpapahaba ng kanilang linya hanggang sa Bacoor City sa Cavite.

Sinabi ng Light Rail Manila Corp., na mangangailangan ng P30 bilyon para dugtungan ang kanilang linya mula sa Baclaran hanggang sa Cavite.

Katuwiran pa ng LRMC makakautang sila sa mga bangko dahil magtitiwala ang mga ito na makakapagbayad ang LRT operator dahil sa pagtaas ng pasahe.

Humirit na ang LRMC ng P5 dagdag singil sa kanilang pasahe.

Kapag natuloy ang proyekto, may distansiya ng 33 kilometro ang biyahe ng LRT mula Roosevelt sa Quezon City hanggang sa Barangay Niog sa Bacoor City.

Tatagal na rin ng hanggang 30 minuto na lang ang biyahe mula Baclaran hanggang sa Bacoor, samantalang 15 minuto sa Sucat, Paranaque City at 20 minuto sa Las Pinas City.

 

TAGS: lrt 1, LRT extension project, lrt 1, LRT extension project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.