Matthysse, lalaban para sa karangalan at hindi para sa pera
Lumabas ang isyung maaaring hindi matuloy ang laban ni Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse sa bansang Malaysia ilang linggo bago ang kanilang laban na nakatakda sa Hulyo 15.
Ayon sa mga ulat ito ay dahil kulang pa umano ang bayad ng promoter ng laban na hawak ni Pacman ang ‘MP Promotions’ sa panig ni Matthysse.
Ngunit sa hinaba-haba ng diskusyon ay tuloy pa rin ang labanang Pacquiao-Matthysse sa darating na Linggo.
Sa huling press conference ng “Fight of Champions”, sinabi ng manager ni Matthysse na si Mario Arana, hindi sila tatapak sa ring ng dahil sa pera kundi lalaban sila para sa tagumpay at karangalan ng boksingero.
Ayon pa kay Arano, ang mangyayaring laban sa Linggo ay magiging isa sa pinakaimportanteng boxing match sa kasaysayan ng South America dahil ang kakaharapin nila ay si Pacquiao na isa sa pinakamahusay na pound-for-pound boxer sa larangan ng boksing.
Ngunit hindi raw bibigay ang kanilang pambato kontra sa mas beteranong boksingero. Ipapakita umano nila ang pinaka importanteng laban ng South America sa nakaraang 10 taon.
Sumang-ayon din ang head trainer ni Matthysse na hindi birong kalaban ang Pambansang Kamao pero ibabalik nila ang korona sa Argentina.
Bagama’t si Pacman ang challenger sa laban na ito sa Axiata Stadium, hindi niya masasabi na underdog ang Pilipinong boksingero kahit kailan, kahit pa si Matthysse ang nagdedepensa ng korona.
Ayon pa kay Diaz, paboritong boksingero niya si Pacquiao tuwing aakyat ito sa ring, kampeon man ito o hindi. At ito rin ang dahilan kung bakit gustong gusto ng kampo ni Matthysse na talunin si Pacquiao sa ring.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.