Tinapos na ng Bicameral Conference Committee ang pagtalakay sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, natapos nilang lahat “in principle” ang talakayan kanilang 12:15 ng madaling araw ng Biyernes.
Sinabi ni Fariñas na binigyan din silang dalawa ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng kapangyarihan ng BiCam na tapusin ang report.
Muli anyang magkikita ang mga miyembro ng BiCam sa araw ng Martes, July 17 upang aprubahan ang report at maisumite sa pangulo upang mapag-aralan.
Paliwanag ni Fariñas, kapag inaprubahan na ito ni Pangulong Duterte, raratipikahan ito sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara at Senado sa July 23.
Matapos maratipikahan ng dalawang kapulungan, lalagdaan ito ng pangulo bago ang kanyang SONA, alas kwatro ng hapon ng July 23.