Mga katutubong Dumagat sa kabundukan ng Casiguran, wala nang makain

By Erwin Aguilon October 22, 2015 - 11:37 AM

Dumagat Erwin
Kuha ni Erwin Aguilon

Halos dalawang oras na naglakad sa ilalim ng init ng araw ang isang pamilya ng katutubong dumagat patungo sa kabayanan ng Casiguran sa lalawigan ng Aurora upang humanap ng makakain.

Si Imelda Banayad, kasama ang kaniyang sanggol pang anak ay nagdesisyong bumaba na lamang mula sa kanilang tirahan sa bundok dahil wala na umano silang makuhanan ng pagkain.

Ayon kay Banayad, winasak ng bagyong Lando ang kanilang bahay at halos wala silang naisalba sa kanilang mga gamit.

Maging ang mga damit at gamit sa pagluluto ay hindi umano nila naisalba. “Nasa bundok po kami noon, ang mga bata basing-basa, magdamag kasi umulan, ang bahay naming nasira. Nung tumugil po ang ulan, wala na kaming makain kasi wala nang natira sa amin, pati mga tanim naming nasira,” ayon kay Banayad.

Nagpasya si Banayad na bumaba sa bayan, kasama ang wala pang isang taong gulang na anak at magbabaka-sakaling may mahingan ng tulong.

Ang mga bata aniya sa kanilang lugar sa Barangay Dibacong ay nagugutom na at halos isang beses sa isang araw lamang kung kumain.

Isa ang nasabing barangay sa Casiguran sa labis na naapektuhan ng bagyong Lando.

TAGS: CasiguranAurora, CasiguranAurora

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.