Oplan Kalusugan inilunsad ng DepEd
Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Oplan Kalusugan (OK) sa buong bansa.
Ang sentro ng programa ay isinagawa sa Pembo Elementary School sa Makati.
Ang Oplan Kalusugan o OK ay kapapalooban ng pagsasagawa ng School-Based Feeding Program; Drug Education Campaign; Adolescent Reproductive Health Education Program; Water, Sanitation and Hygiene Program; at medical, dental, and nursing services.
Layon ng nasabing programa na matiyak na lahat ng mga bata ay napagkakalooban ng basic primary health at dental care.
Highlights ng “OK sa DepEd Program” ang “One Health Week” kung saan maglalatag ng health activities sa mga paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.