LOOK: Ilang kalsada sa Metro Manila isasailalim sa reblocking at repair ngayong weekend
Muling magsasagawa ng road reblocking at repair ang Department of Justice sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila kabilang na ang EDSA ngayong weekend.
Sa abiso ng DPWH, nakakuha na ito ng clearance mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa gagawaing road repairs mula mamayang alas 11:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes, July 16.
Kabilang sa maaapektuhan ang sumusunod na lansangan:
EDSA southbound
- Arayat Street hanggang Ignacio Diaz, 4th lane mula sa sidewalk
- Timog Avenue hanggang Kamuning Road, 2nd lane mula sa sidewalk
- Harap ng Francesca Tower hanggang lagpas ng Scout Borromeo, 3rd lane mula sa center island
EDSA northbound
- Vertis North hanggang Trinoma Mall, 2nd lane mula sa sidewalk
Other Roads:
- northbound directions ng Batasan Road, mula sa Commonwealth Avenue hanggang Kalinisan Street, 1st lane
- H. Lacson Avenue, malapit sa Aragon Street
- Congressional Avenue, bago mag-Jupiter Street, 1st lane
- Fairview Avenue mula Mindanao Avenue Extension hanggang Jordan Plains Subdivision, 3rd lane
Pinayuhan na ng DPWH ang mga motorista na iwasan na lang ang nasabing mga kalsada sa weekend dahil maaring magdulot ng build up sa daloy ng traffic ang road repairs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.