Johnson & Johnson pinagbabayad ng $4.7B ng korte sa 22 babaeng nagka-cancer dahil sa pulbo

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 13, 2018 - 08:51 AM

Pinagbabayad ng korte sa Missouri USA ang kumpanyang Johnson’s & Johnson ng aabot sa $4.7 billion na danyos sa 22 mga babae na nagkaroon ng sakit na ovarian cancer dahil sa asbestos na mula umano sa pulbo.

Ang desisyon ng St. Louis Court ay pumapabor sa mga naghain ng reklamo laban sa naturang kilalang kumpanya.

Kabilang sa pinaburan ng korte ang $4.14 billion na punitive damages at $550 million na compensatory damages.

Ito ay makaraan ang anim na linggong paglilitis ng St. Louis Circuit Court.

Sa closing arguments sinabi ng abogado ng mga nagreklamo na alam ng pamunuan ng Johnson & Johnson na ang produkto nila ay nagtataglay ng asbestos pero hindi nila binalaan ang kanilang consumers.

Sa isang pahayag, iginiit naman ng tagapagsalita ng Johnson & Johnson na si Carol Goodrich na ligtas ang kanilang produkto at iaapela nila ang pasya ng korte.

TAGS: asbestor, baby powder, Johnson & Johnson, talcum, asbestor, baby powder, Johnson & Johnson, talcum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.