Ilang lansangan sa CAR sarado pa rin dahil sa landslides

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 13, 2018 - 08:16 AM

Sarado pa rin sa daloy ng traffic ang maraming lansangan sa Cordillera Administrative Region na naapektuhan ng landslides.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways sa CAR, ang Kennon Road ay nananatiling sarado sa mga motorista.

Dahil dito ang mga patungo at galing ng Baguio City ay pinapayuhang dumaan na lang sa Marcos Highway o sa Naguilian Road.

Maari ding gamitin bilang bagong alternatibong ruta ang Asin-Tubao Road.

Samantala, sa Abra, sarado pa rin ang Abra-Ilocos Norte Road sa bayan ng Danglas.

Sa Benget naman, nananatiling sarado ang Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun Road.

Patuloy ang clearing operations ng DPWH sa nasabing mga kalsada na naapektuhan ng landslide bunsod ng mga pag-ulang naranasan.

TAGS: Cordillera Administrative Region, DPWH, Kennon Road, Radyo Inquirer, Cordillera Administrative Region, DPWH, Kennon Road, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.