LPA binabantayan ng PAGASA; Habagat magpapaulan pa rin sa kanlurang bahagi ng bansa
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ang nasabing LPA sa 715 kilometers East ng Surigao City, Surigao del Norte.
Ayon sa PAGASA, bukas araw ng Sabado ay maaring pumasok ito ng bansa at kung magiging ganap na bagyo habang nasa PAR ay papangalanan itong Henry.
Sa pagtaya ng panahon ng PAGASA ngayong araw, ang Western Visayas, Palawan, Mindoro, Zambales, Bataan, Cavite at Batangas ay makararanas ng mga pag-ulan dulot ng Habagat na maaring magdulot ng flash floods at landslides.
Ang Metro Manila naman Bulacan, Pampanga, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Compostella Valley at Davao Oriental ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dulot ng Habagat at trough ng LPA na maari ding magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Habang sa nalalabi pang bahagi gn bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.