PNP inaalam na kung sino ang nagpakalat ng kontrobersyal na tarpaulin sa Metro Manila

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) kung sino ang mga naglagay ng mga banner sa ilang bahagi ng Metro Manila na nagsasabing probinsya ng China ang Pilipinas.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana, inaalam na kung sino ang nasa likod ng iligal na paglalagay ng mga pulang tarpaulin.

Naniniwala si Durana na ang mga naglagay ng mga banner ay gustong ipahiya ang gobyerno dahil sa bumubuting relasyon ng Pilipinas sa China.

Sa posts ng ilang netizens, makikita ang mga banner na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, Province of China.”

Nakita ang mga ito sa mga footbridge sa Welcome Rotunda, Philcoa, Quezon Avenue, lahat sa Quezon City gayundin sa C5 highway at malapit sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Ang pagkalat ng mga tarpaulin ay kasabay ng ika-2 taong anibersaryo ng ruling ng arbitration court sa The Hague kaugnay ng West Philippine Sea na pabor sa Pilipinas.

Read more...