Holdupper nasawi sa engkwentro sa Parañaque City
Dead on the spot ang isang lalaking holdupper sa Barangay San Antonio, Parañaque City.
Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang suspek, maging ang kanyang kasama na nakatakas mula sa mga pulis.
Ayon Senior Superintendent Leon Rosete hepe ng Parañaque City Police, biniktima ng dalawang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo ang isang call center agent na naghihintay lamang ng masasakyan.
Pagdaan ng riding in tandem sa tapat ng biktima ay hinatak ng angkas ang bag nito bago sinubukang tumakas.
Mabuti na lamang at mayroong mga tambay sa lugar ng mga oras na iyon na silang nakapigil sa pagnanakaw ng mga suspek.
Agad na nakahingi ng tulong ang biktima mula sa mga pulis na silang tumugis sa riding in tandem.
Ngunit imbes na tumigil ay pinaputukan ng mga ito ang mga otoridad, na nagresulta sa pagkamatay ng angkas. Iniwan ito ng kanyang kasama at tumakas ang driver gamit ang motorsiklo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.