Binatikos ng isang mambabatas ang identification cards na ipinamamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Tinawag ni ACTS-OFW Rep. Aniceto “John” Bertiz III ang mga OFW ID o iDOLE na pampakapal lamang ng bulsa at wala namang gamit.
Ayon kay Bertiz, isang ordinaryong ID lamang ito na hindi naman nababasa ng kahit anong makina at ilan lamang naman umano sa mga OFW ang nakatanggap nito.
Nagsimula ang DOLE sa pamamahagi ng naturang mga ID noong December 2017 bilang kapalit ng mga overseas employment certificates.
Mariing tinutulan ng mambabatas ang pagtawag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa proyektong ito bilang kanyang ‘number 1 achievement’.
Inakusahan pa ni Bertiz ang DOLE na pinagkakakitaan ang mga naturang ID kung saan naniningil umano ang kagawaran ng P720 para rito.
Iginiit ng mambabatas na dapat ay libre ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.